TESDA magpo-produce ng 50-milyong face masks

0
14

Nakatakdang gumawa ng nasa 50-milyong piraso ng reusable face mask ang Technical Educationa and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon sa TESDA, libreng ipamamahagi ang mga nabanggit na facemask sa publiko.

Sinabi ni TESDA Deputy Director General for partnerships and linkages Aniceto Bertiz III, inatasan sila ng isang cabinet cluster para sa mass producksyon ng mga reusable face masks.

Aniya, nakabatay sa itinatakdang quality standard ang kanilang lilikhaing mga face masks at nagkakahalaga ng hindi hihigit sa P15.00 bawat isa.

Oras namang maging available na ang mga face masks, kanila itong iti-turn over sa Department of Interior and Local Government para naman maipamahagi sa mga probinsiya, lungsod at munisipalidad.