NDRRMC pinaalalahan ang publiko, LGUs na patuloy pa rin na sumusunod sa health protocols vs. COVID-19

0
13

Pinaalalahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko at mga local government units (LGU)’s  na tiyaking patuloy na naoobserbahan ang mga health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay sakaling kinailangang magsagawa ng evacuation bunsod ng epekto ng Bagyong Enteng.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, naglabas na sila ng bagong panuntunan para sa mga ipatutupad na adjustment sa emergency response bunsod ng nararanasang pandemiya.

Iginiit ni Timbal, kinakilangangan ang mahigpit na pagsunod sa pagsusuot ng face masks at pagkakaroon ng social distancing sa mga evacuation centers.

Kinakailangan din aniyang magkaroon ng listahan ng mga evacuation areas na gagamitin para sa mga emergency ang bawat LGU’s upang matiyak na hindi nagamit ang mga ito bilang quarantine facility ng mga COVID-19 patients.

Sa kasalukuyan, walang direktang epekto sa bansa ang bagyong enteng bagama’t pinalalakas nito ang habagat na nagdadala naman ng pag-ulan.