Iriga City — Di na muna tatanggap ng pasyente at kliyente simula ngayon ang Rural Health Unit- 1 sa Bayan ng Buhi, Camarines Sur matapos na ipag-utos ni Mayor Margie Moran Aguinillo ang temporary lockdown nito matapos na tamaan ng sakit na covid 19 ang isang kawani na doon nagtatrabaho.
Nais ng mayor na hintayin na muna ang resulta ng RT-PCR test sa ibang mga kasamahan upang maseguro na hindi masasakripisyo ang kalusugan ng mga mamamayan.
Suspendido rin muna ang pagtanggap ng LSI sa quarantine facility ng bayan, habang inaayos ang bagong isolation at monitoring facility na ginawa sa 2nd floor ng evacuation center ng bayan.
(Source: LGU – Buhi)
