Telepono at e-mails ni Justice Carpio ibinunyag na mino-monitor ng China

0
51

Ibinulgar ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na mino-monitor siya ng China.

Sa gitna ng kanyang lecture ukol sa claim ng China sa South China Sea sa convention ng Integrated Bar of the Philippines sa Iloilo City, bigla na lamang namatay ang supply ng kuryente sa lugar.

Sinabi ni Carpio na alam niyang mino-monitor ng China ang kanyang mga tawag sa telepono at e-mails ngunit hindi niya akalain na kaya nitong pakialaman maging ang kanyang video presentation.

Bago ito ay nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Carpio sa Chico river irrigation loan sa pagitan ng Pilipinas at China kung sinabi niyang maaring kamkamin ng China ang gas field sa Reed Bank kung hindi mababayaran ang pagkakautang ng bansa.

—-