Bilang ng Pinoy na nasa death row sa Malaysia aabot sa 48

0
63

Mayroong apatnapu’t walong (48) mga Pilipino ang nasa death row sa Malaysia.

Ayon kay Buhay Party-list Representative Lito Atienza, karamihan sa mga ito ay mga migrant workers na napatunayang guilty sa mga kasong may kinalaman sa terorismo, pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw, drug trafficking, kidnapping at iba pa.

Kaugnay nito, umapela ang mambabatas sa Malaysian government na ibaba sa habangbuhay na pagkabilanggo ang kinakaharap ng mga ito na parusang bitay.

Nakasalang ngayon sa Kongreso ng Malaysia ang panukalang batas na natatanggal sa mandatory death sentence para sa mga naturang paglabag.

—-