Teaser ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo inilabas na

0
45

Ipinalabas na ang inaabangang teaser ng bagong pelikula na pinagbibidahan ng aktres na si Sarah Geronimo na may pamagat na “unforgettable”.

Makikita sa mga patikim na eksena ng Viva Production ang karakter ni Geronimo habang bumibiyahe kasama ang kanyang alagang aso patungong Baguio City para dalawin ang kanyang lola hanggang sa siya’y maligaw.

Napadpad siya sa karinderya na pag-aari ng karakter na ginagampanan naman ni Regine Velasquez hanggang sa magpasya ang dalaga na tulungan ito.

Magugunitang pumatok sa takilya ang pelikulang “Miss Granny” ni Sarah G noong nakaraang taon.