Gilas Pilipinas inilampaso ng Italy sa unang laro sa Fiba World Cup

0
60

Inilampaso ng Italy ang Philippine Men’s National Basketball Team sa score na 108-62 sa una nilang laban sa 2019 Fiba World Cup sa Foshan International Sports and Cultural Arena sa China kagabi.

Gumawa ng 19-0 run sa unang quarter ang mga Italyano at mula noon ay hindi na lumingon pa ang mga ito.

Walang naisagot ang mga Pinoy sa mga pinaulan na tres ng mga kalaban sa laro na pinanood pa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para makapasok sa susunod na round, kailangang talunin ng Gilas Pilipinas ang dalawang malalakas na koponan ng Serbia at Angola.