35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Tauhan ng BuCor patay sa pananambang sa Muntinlupa

- Advertisement -

Patay ang isang tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Muntinlupa City.

Kinilala ang biktimang si Chief Insp. Angelito Padilla, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Senior Supt. Gerardo Umayao, hepe ng Muntinlupa City Police, kagagaling lamang ni Padilla sa New Bilibid Prison (NBP) at papunta sa national road lulan ng kaniyang kotse, kahapon.

Pagdating nito sa palengke ng Poblacion ay sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima, dakong alas tres ng hapon.

Inaalam na kung ano ang motibo sa pamamaslang at sino ang posibleng nasa likod nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -