30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Presyo ng manok nagsimula nang tumaas

- Advertisement -

Nagsimula nang tumaas ang presyo ng manok na posibleng tumaas pa tatlong linggo bago ang pasko.

Sa pag-iikot ng DWIZ sa Balintawak Market sa Quezon City at Quinta Market sa Quiapo, Maynila, P10 hanggang P30 na ang itinaas ng kada kilo ng manok o P150 mula sa dating P120.

Nilinaw naman ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry na kung tataas pa ulit ang presyo ng manok ay hindi na ito  gaanong  kalaki dahil mataas din ang supply ng manok ngayong taon kumpara noong 2016.

Samantala, tumaas na rin ang presyo ng itlog sa ilang pamilihan kaya’t apektado na rin ang presyo ng mga produktong gumagamit ng itlog tulad ng mga tapsihan.

P5 ang itinaas ng presyo ng kada tray ng itlog na maliit hanggang malaki o P135 para sa small tray mula sa dating P130; medium, P140 mula sa dating P135; large, P145 mula sa dating P130 at XL, P155 mula sa dating P150.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -