Tatlong preso sa Pasay City Jail patay sa heat stroke

0
39

Patay ang tatlong preso ng Pasay City Jail dahil sa heat stroke.

Ayon kay Pasay City Police Chief Senior Supt. Noel Flores, wala pang resulta ang pagsusuri sa mga labi ng mga hindi pinangalanang bilanggo na may edad 36, 33 at 25.

Batay sa report ng pulisya, alas 8:30 Huwebes ng gabi nang mawalan ng malay ang tatlong preso at dinala pa sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay.