NHA nagkaloob ng 10-M piso sa Itogon, Benguet

0
45

Muling nagkaloob ng sampung milyong piso ang NHA o National Housing Authority sa bayan ng Itogon, Benguet.

Ang naturang halaga ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. ay gagamiting pambili ng lote na magsisilbing resettlement site para sa mga pamilyang nabing biktima ng Bagyong Ompong.

Una nang nagbigay ng sampung milyong piso ang NHA para ipambili ng housing materials para makapagpatayo ng bagong bahay ang mga biktima ng Bagyong Ompong batay na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang pag turn over ng nasabing halaga ay sinaksihan nina Senador Sherwin Gatchalian at JV Ejercito.