29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Tatlong Barangay Na Apektado Ng ASF Sa Bayan Ng Virac; Aabot Sa 24 Na Buhay Na Baboy, Pinatay Na

- Advertisement -

3 Barangay sa Bayan ng Virac ang apektado ng depopulation o pagpatay ng buhay na baboy dahil sa African Swine Fever o ASF.

Matapos magpositibo sa ASF ang blood samples galing sa mga alagang baboy ng Catanduanes State University.

Aabot naman sa 24 na buhay na baboy ang pinatay gamit ang electric stunner at inilibing sa mismong lugar malapit kung saan ito pinatay ayon kay Municipal Agriculture Officer Jemma Tadoy ng Virac.

Ayon kay Tadoy galing sa 500 metro sa ground zero kung saan may namataan na kaso ng ASF ay pinahaba pa ito ng dagdag 500 metro kung saan apektado ang 3 barangay kasama na ang San Isidro Village, Calatagan, at Barangay sa Danicop.

Hindi naman maaaring magluwas ng baboy sa nasabing 3 barangay papunta naman sa ibang lugar sa nasabing Bayan. Bibilhin naman ang mga buhay na baboy para sa depopulation ng 5 libong piso kada isa. Hindi kasama rito ang mga biik na sumususo pa o hindi pa hiwalay sa ina.

Nanawagan naman si Municipal Agriculturist Tadoy na kung maaari bago magkatay ay madala ito sa temporary slaughter house sa Brgy. Bigaa para naman matingnan ng meat inspector.

Samantala hinihintay naman ngayon ang mga blood samples kung positive rin sa ASF ang mga baboy galing sa mga Barangay ng  Sto. Cristo. Palnab Del Sur, Pajo Baguio at Gogon.

Kung maaalala lima sa 11 Munisipyo ng Catanduanes na ang apektado ng ASF kasama na ang Bayan ng Virac na may pinakamataas na kaso.
(Photo courtesy by Andy Po (MENRO OFFICER))

(Source: RNV)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -