Patay ang tatlo katao habang labing anim (16) na iba pa ang sugatan matapos bumaliktad ang kanilang sinasakyang van sa bahagi ng Star Tollway sa Lipa City Batangas, dakong alas-6:30 kaninang umaga.
Kinilala ang dalawang nasawi na si Maxene Guinavere, isang senior highschool student at ang driver ng naaksidenteng van na si Danilo Manalo.
Habang isa ang hindi pa nakikilala ng mga awtoridad.
Ayon kay Batangas Police Chief Superintendent Edwin Quilates, binabaybay ng van ang Star Tollway patungong Batangas City nang mawalan ng kontrol ang driver matapos pumutok ang isa mga gulong nito.
Dagdag ni Quilates, karamihan sa mga nasugatan sa aksidente ay mga estudyante dahil ginagamit aniya ang nasabing van bilang school service.
 (Ulat ni Ron Lozano)