Monday, May 6, 2024

Palasyo itinuturing na personal ang opinyon ni Locsin kaugnay sa pagbatikos nito sa pag-aresto kay ex-Rep. Ocampo

- Advertisement -

Itinuturing ng Malakanyang na personal na opinyon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin ang ginawa nitong pagbatikos sa pag-aresto kay dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi kumakatawan sa opisyal na posisyon ng malakanyang sa usapin ang naging pahayag ni Locsin.

Sinabi ni Panelo, personal na sentimiyento aniya ito ni Locsin bilang isang kaibigan at dating kasamahan ni Ocampo sa Kongreso.

Aniya, ang mga pahayag ni Locsin ay hindi nangangahulugang inosente si Ocampo sa mga akusasyon laban sa kanya gayundin ang otomatikong pagiging guilty nito matapos namang kasuhan.

Dagdag ni Panelo, nagpapakita rin ng pag-iral ng due process ang pagpayag ng prosecutor’s office sa Tagum City na makapagpiyansa ang grupo ni Ocampo at kanilang kahilingan na sumailalim sa preliminary investigation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img