Tapat ng isang Korean restaurant sa QC pinasabugan

0
56

Pinasabugan ng hindi pa nakikilalang salarin ang tapat ng isang Korean restaurant sa Barangay South Triangle, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon kay Police Lt. Col. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning police station, natanggap nila ang ulat kaugnay sa insidente ganap na 1 ng madaling araw.

May nakita umanong isang lalaki na nakaitim na damit ang naghagis umano ng isang paper bag sa tapat ng kainan bago narinig ang pagsabog.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente ngunit nagtamo ng ilang gasgas ang dalawang sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanina.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.