Friday, May 17, 2024

Pag-unlad ng buhay ng mga Pinoy ipinagmalaki ng Palasyo

- Advertisement -

Ipinagmalaki ng Malacañang na umunlad ang buhay ng mga Pilipino sa unang tatlong taon nang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ikalawang pre-SONA forum para sa human development and poverty reduction cluster at participatory governance cluster sa Cebu City, ibinida ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang magandang lagay ng ekonomiya ng bansa at ang record-high net satisfaction rating ng Pangulong Duterte.

Anya, patunay ito na nararamdaman ng publiko ang kaginhawahan at pag-unlad ng estado ng kanilang buhay sa ilalim ng pamumuno ng pangulo.

Kaugnay nito ay hiniling ni Nograles ang patuloy na suporta ng mga kawani ng pamahalaan para sa pagsusulong ng social programs na makatutulong sa mga Pilipino.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -