Tanong ng pangulo kung bakla siya pinagdudahan ni Trillanes

0
52

Tila naghihinala na si Senador Antonio Trillanes IV sa tunay na nararamdaman sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y makaraang gawing pulutan na naman ng pangulo si Trillanes sa harap ng Filipino community sa Japan nang bumisita ito sa nasabing bansa noong isang linggo.

Ayon kay Trillanes, nagdududa na siya sa pangulo makaraang magtanong ito kung siya ba’y bakla na tila may malalim umanong pagnanasa sa kaniya.

Dahil dito, sinabi ng senador na ang mga ganitong tirada sa kaniya ng pangulo at nagpapakita na cover up lamang ang pagiging siga-siga nito sa publiko dahil sa mayroon itong tinatagong pagkatao.