Pagpabor ng DOE sa isang power supplier sa Mindanao pina-i-imbestigahan

0
41

Pinasisilip ni Aasenso Partylist Rep. Teodoro Montoro sa House Committee on Energy at Good Government and Accountability ang umano’y pagpabor ng DOE o Department of Energy sa isang supplier ng kuryente sa Mindanao.

Sa inihaing resolusyon ni Montoro, sinabi nito na batay sa impormasyong kaniyang nakalap, mayroon aniyang conflict of interest.

Ang pagpasok ng DOE ng kontrata sa Western Mindanao Power Corporation na pagmamay-ari ng Aboitiz Group.

Aniya, nagtrabaho sa Aboitiz Power Distribution Utility si Energy Assistant Secretary Rodentor Delola bago ito maitalaga sa pamahalaan kaya’t malinaw na mayroong pinaboran sa kontrata.

Giit ni Montoro, hindi dapat kinukonsinti ang ganitong uri ng sitwasyon at kailangang parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na ginagamit ang kanilang posisyon para sa pansarili nilang interes.