Sylvia Sanchez nakalabas na ng ospital matapos mag-negatibo sa COVID-19

0
33

Nakalabas na ng ospital ang kapamilya actress Sylvia Sanchez matapos mag-negatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Gayunman, sa isang Facebook post, binanggit ni sanchez na mananatili pa sa pagamutan ng dalawa o tatlong araw ang kanyang mister na si art atayde para sumalang sa isa pang test.

Muli namang nagpasalamat si Sanchez sa lahat ng mga frontliners na nag-alaga sa kanila, gayundin sa mga nagdasal para sa kanilang agarang paggaling.