Thursday, May 2, 2024

Swimming instructor ng nalunod na PMA Cadet posibleng managot

- Advertisement -

Maaaring may pananagutan ang mga swimming instructor’s ng Philippine Military Academy (PMA) kaugnay sa isang plebo na natagpuang patay sa swimming pool.

Ito ay sa kabila ng walang nakikitang indikasyon ng foul play sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Mario Telan.

Ayon kay Baguio City Police Chief Police Col. Allen Rae Co, lumabas sa kanilang initial findings na unang swimming exercise palang ni Telan ay hindi na ito nakapasa ngunit kanilang ipinagtataka kung bakit umabot pa ito sa mas delikadong parte ng pagsusulit.

Very obvious naman, una palang hindi na niya napasa bakit siya dinala doon sa mas delikadong part ng exam,” ani Co.

Aniya, apat ang mga kadeteng tumalon para sa naturang pagsusulit bagama’t hindi man lamang napansin ng mga swimming instructors na tatlo lang ang umahon dito.

Napaka-simple naman apat silang tumalon dapat apat silang aahon, bakit tatlo lang ang umahon?,” ani Co.  — sa panayam ng Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img