35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Depensa ng Gilas Pilipinas palalakasin pa

- Advertisement -

Mas palalakasin pa ang depensa ng Gilas Pilipinas, ilang linggo bago ang pagbubukas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach na si Tim Cone, kailangan pa nilang hasain ng husto ang kanilang depensa kasunod ng pagkabigo ng kanilang koponan kontra sa Alab Pilipinas sa isang tune-up kagabi sa iskor na 89-93.

Paliwanag ni Cone, kanyang nakita sa laro kagabi ang kanilang kahinaan sa transition kung saan dapat itong maayos bago isabak ang Gilas sa SEA games sa darating na Disyembre.

Samantala, sumandal naman ang Gilas kagabi kina Roger Pogoy na pumoste ng 14 na puntos At June Mar Fajardo at Japeth Aguilar na nakapagtala naman ng 12 puntos.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -