Radio Philippines Network
Headlines National News

Sweldo at benepisyo ng mga empleyado ng ‘work from home scheme’ walang pagbabago

Iginiit ng isang labor group na pareho ang matatanggap na sweldo ng mga regular na empleyado at mga empleyadong sakop ng work from home scheme.

Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, dapat ay may agreement ang manggagawa at employers hinggil sa naturang work arrangement.

Aniya, bago pumasok sa naturang programa ang isang employer ay kailangan magsumite ito ng report sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Dagdag pa nito, walang nakasaad sa batas na mababawasan ang sweldo o benepisyo na matatanggap ng mga empleyado.

Magugunitang nagpa abot ng kanilang pangamba ang ilang mambabatas hinggil sa programa dahil mababawasan umano ang sahod at benepisyo ng mga empleyadong magtatrabaho sa kanilang mga bahay.

Related posts

DFA kumikilos na para ligtas na mapalaya ang 3 dinukot na pinoy sa LIBYA

Powered by DWIZ

West PH Sea naisantabi sa binubuong bagong konstitusyon—Davide

Powered by DWIZ

Resolusyong nagpapalawig sa kasunduan ng gobyerno sa 2 water concessionaires kinansela na ng MWSS

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More