Radio Philippines Network
Headlines National News

Monthly allowance sa mga CAFGU nilagdaan na ni Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na magbibigay ng monthly allowance sa mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Sa ilalim ng EO 94 na inilabas ng Palasyo ng Malakanyang, ang mga miyembro ng Cafgu Active Auxillary  (CAA) na nasa roster ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbibigay ng kanilang serbisyo ay makakukuha ng P2,000 kada buwan.

Inatasan na ng Pangulo ang Department of Budget Management (DBM) at Department of National Defense (DND) na gumawa ng guideline sa implementasyon nito.

Inutos rin ng pangulo na maipatupad ito sa lalong madaling panahon.

Related posts

Bagong bukas na mall sa Davao City nasunog

Powered by DWIZ

Pagtatayo ng Korean Town napagkasunduan sa pagpupulong nina Pangulong Duterte, PH Korean Ambassador

Powered by DWIZ

Ikatlong kaso ng 2019 nCoV-ARD sa PH kinumpirma ng DOH

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More