31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Suspensiyon kay Mayor Baldo inirekumenda na ng DILG

- Advertisement -

Hawak na ng Office of the Ombudsman ang kopya ng rekumendasyon ng DILG o Department of Interior and Local Government.

Ito’y para isailalim sa preventive suspension si Mayor Carlwyn Baldo ng Daraga, Albay dahil sa pagiging mastermind nito umano sa kaso ng pagpatay kay AKO- Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, posible kasing magamit pa ni Mayor Baldo ang iba pang sakot sa krimen bilang alkalde lalo na ang ilan pang mga tauhan ng munisipyo.

Una nang inihayag ng kalihim na isinasailalim na rin sa pag-aaral ng pambansang pulisya ang pag-aalis ng deputation powers kay Baldo sa Daraga Municipal Police Station.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -