Suspek sa pagpatay sa UPLB student hinatulang mabilanggo habang buhay

0
41

Hinatulang mabilanggo ng habang buhay ang dating security guard na suspek sa pagpatay kay University of the Philippine Los Baños student Given Grace Cebanico.

Sa desisyon ni Calamba City Regional Trial Court Branch 92 Judge Alberto Serrano, napatunayang guilty ang suspek na si Lester Ivan Rivera sa kasong rape, homicide at theft.

Maligaya naman ang pamilya Cebanico dahil matapos ang apat na taon ay nakamit na nila ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak.

Samantala, umaasa naman ang pamilya na mapaparusahan din ang tricycle driver na Percival De Guzman na may kinalaman din sa pagkamatay ni Given Grace.

Inaasahang ilalabas ng korte ang verdict kay De Guzman sa susunod na buwan.

October 2011 nang matagpuan ang bangkay ni Given Grace malapit sa campus ng UPLB na nagtulak naman sa university officials at lokal na pamahalaan na tutukan at repasuhin ang umiiral na seguridad sa loob at labas ng unibersidad.

—–