Isasagawang job fair ng DOLE kasado na sa May 1

0
44

Kasado na isasagawang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Mayo 1, Labor Day.

Ayon kay DOLE, magkakaroon ng 54 job fair site sa buong bansa.

120,000 mga trabaho ang naghihintay sa mga aplikante kung saan higit 50,000 ay lokal na trabaho, higit 73,000 ay overseas jobs habang limang daan naman ay posisyon sa gobyerno.

Karamihan ng mga job vacancies ay mula sa services sector habang maliit na bahagi naman ng bakanteng trabaho ang galing sa industry at agriculture sector.

—–