Surigao: Samahan Ng Magsasaka At Kababaihan Sa Kanayunan, Nakatanggap Ng Pangkabuhayan Mula Sa Gobyerno

0
516

Gigaquit, Surigao del Norte – Ang Samahan ng mga Magsasaka at Kababaihan ay nakatanggap ng Pangkabuhayan mula sa Gobyerno bilang tugon sa mga hinaing ng mga mamamayan sa Sitio Brazil, Brgy Mat-I, Surigao City upang ipadama ang taos-pusong serbisyo at pagmamahal at inilunsad ang City Task Force to End the Local Armed Conflict (CTF-ELCAC) nitong ika-8 ng Oktubre 2021.

Matatandaan, dating kuta ng mga CPP-NPA terrorist o CNT ang Sitio Brazil, Brgy. Mat-I ng Surigao City na pinamumunuan ni Pablo Alcansar Logatiman o mas kilalang Lukas. Ngunit ng ito ay pasukin at nagsagawa ng Community Support Program (CSP) ang 30th Infantry (Fight On) Battalion ay napabagsak nila at napawala ang suporta ng masa sa CNT. Kasabay nito ang pagbuo ng organisasyon para sa mga magsasaka at kababaihan upang magkaroon ng pangkabuhayan hatid ng gobyerno para sa kanilang kinabukasan.

Ang mga organisasyon na nabuo na pinangalanan bilang Brazil Farmers Association at Brazil Women’s Association ay nakatanggap ng Tilapia, root crops and vegetable production hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang grupo ng CTF-ELCAC sa pangunguna ni Hon. Ernesto U. Matugas kasama ang Provincial Director ng TESDA na si Mrs. Cathalina Tacuba at ang kasundaluhan sa 30th Infantry Battalion sa pamumuno ni LtCol. Ryan Charles G. Callanta.

Sa pahayag ni Hon. Ernesto Matugas labis ang kanyang pasasalamat sa iba’t ibang ahensiya sa pagtugon ng mga problema at pagbibigay ng solusyon, “Ako ay labis na nagpapasalamat sa bawat ahensiya ng ating pamahalaan na nakiisa sa programang ito upang isakatuparan ang pagkamit ng tunay na kapayapaan sa isa nating barangay na noon ay naging kuta ng mga terorista. Huwag po kayong mag-alala, kami kasama ang buong ahensiya ng pamahalaan ng Surigao City ay patuloy na maghahatid ng tulong para sa ikagaganda ng inyong pamumuhay.”

Nagpahayag din ng pasasalamat si LtCol. Callanta sa lahat ng ahensiya lalo na sa Lokal na pamahalaan ng Surigao City na buong puso na naghatid ng tulong sa kabila ng layo ng Sitio Brazil, “Sa tulong ng ating pamahalaan, asahan ninyo na hindi natatapos sa pagbigay ng pangkabuhayan ang tulong na ibibigay ng ating gobyerno sapagkat itong Brgy Mat-I ay kasama din siya sa tinatawag natin na priority barangay na popondohan ng 20 million ng ating gobyerno upang matugunan ang mga pangunahing isyu at magtuloy tuloy na ang pag-unlad ng ating komunidad. Patuloy din kaming nananawagan sa lahat na patuloy na suportahan ang ating gobyerno upang tuluyan na din mawala ang kaguluhan sa ating lugar.”

(Source: 30th Infantry “Fight On” Battalion, Philippine Army Facebook page)

Leave a Reply