Davao City – Nagbabala ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DCDRRMO) sa mga Dabawenyo lalo na sa mga naninirahan sa mga lugar na palaging binabaha at landslide prone area na kailangang maging mapagmatyag dahil sa palagiang pag-ulan hatid ng La Nina season.
Ayon kay CDRRMO Chief Alfredo Baloran na inaasahang umabot pa sa first quarter ng susunod na taon ang La Nina at mapanganib ito sa mga naninirahan sa mga malambot na lupa dahil baka magkaroon ng landslide.
Dagdag ni Baloran na noong Oktobre 4, tatlo’ng bahay sa Purok 64, Barangay Talomo Proper dito sa lungsod nasira matapos nagka-landslide dahil sa patuloy na pag-ulan hatid ni Bagyong Lannie.
Dahil dito, 20 na mga indibiduwal ang apektado na sa ngayon ay pansamantalang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak.
(Source: Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office)