Surigao: May ngiti sa regalong dala ng lapis, ballpen, notebook, at papel

0
1

Matagumpay na namigay ang Cagdianao Mining Corporation ay mga kagamitang pampaaralan bilang maagang pamasko sa mga mag-aaral ng Valencia National High School, Valencia Elementary School, Valencia at Bal-iwan Child Development Center. Bukod sa mga mag-aaral ay nakatanggap rin ng mga munting regalo ang mga guro sa nasabing paaralan, bilang pasasalamat sa mga sakripisyong kanilang inilaan tungo sa paglinang ng karunungan ng mga mag-aaral.

Mahigit tatlong taon din ang tinagal na muling nakapamigay ang CMC ng kagamitang pampaaralan dahil sa epekto ng pandemya, dagdag pa dito ang bagsik na dala ni bagyong Odette na sumira sa iilang silid-aralan ng bawat paaralan sa komunidad.

Ang inisyatibong ito ay mula sa pundo ng Social Development and Management Program at kabilang sa programang pang-edukasyon. #SDMP2022 #MineResponsibility #ResponsibleMiningPH

Leave a Reply