Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang General Luna Surigao del Norte, dakong alas-3:30 kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Sesimology o PHIVOLCS, nakita ang epicenter ng lindol sa layong dalawampu’t siyam (29) na kilometro silangan ng General Luna.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na labing apat (14) na kilometro.
Wala namang naitalang pinsala sa nasabaing pagyanig at wala rin inaasahang aftershocks ang PHIVOLCS.
—-