Saturday, May 4, 2024

Supply ng tubig sa mga sakahan tiniyak ng NIA

- Advertisement -

Tiniyak ng National Irrigation Administration (NIA) na sapat ang supply ng tubig para sa mga sakahan sa Bulacan at ilang parte ng Pampanga.

Ito ay sa kabila ng nararanasang tagtuyot at kakapusan ng supply sa tubig sa Metro Manila at ilang bayan sa Rizal.

Ayon kay Eliseo Bitangcol, NIA Press Relation Officer sa Central Luzon, susuplayan nila ng tubig ang mga magsasaka para sa irigasyon ng mga pananim hanggang Mayo 15.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ni Bulacan Provincial Agriculturist Ma. Gloria Carillo na may sapat na supply ng tubig para sa mga pananim sa lugar.

Aniya, inaasahang umabot sa isang daan at apatnapung (140) milyong metrikong tonelada ng palay ang kanilang maaani, dahil sa sapat na supply ng tubig.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img