Saturday, May 18, 2024

Manila Water pinagbabayad ng danyos sa DOH

- Advertisement -

Pinagbabayad ni Akbayan Party-list Representative Tom Villarin ang Manila Water ng apat na milyong pisong danyos sa Department of Health (DOH).

Ito ay kaugnay ng pahayag ng DOH na umabot na sa kabuuang apat na milyong piso ang nawala sa anim na pampublikong ospital, noong kasagsagan ng kakulangan ng supply ng tubig.

Kabilang sa mga ospital na ito ay ang Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), National Center for Mental Health, East Avenue Medical Center at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Ayon kay Villarin, marapat lamang na magbayad ang Manila Water dahil malaking pera ang nawala dahil sa kapalpakan nito.

Aniya, ang nasabing krisis sa tubig, ay halos magdulot na rin ng krisis sa kalusugan, matapos limitahan ng mga nasabing ospital ang tinatanggap nitong pasyente dahil sa pangamba nang pagkalat ng impeksyon dahil sa kakapusan ng tubig.

Dagdag pa nito, dapat aniyang matuto ng leksyon ang naturang water concessionaire sa perwisyong idinulot nito sa publiko.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -