33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Suporta sa mga atletang Pilipino ang mahalaga ngayon — Pacquiao

- Advertisement -

Umapela si People’s Champ Manny Pacquiao sa publiko na suportahan ang Southeast Asian (SEA) Games.

Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang aberyang naranasan ng mga atleta at iba pang delegasyon ng SEA games.

Ayon kay Pacquiao, ang mahalaga ngayon ay maipakita sa mga atletang Pilipino ang buong suporta ng sambayanan.

Aniya, kung anoman ang problema ay huwag na munang pag-usapan sa ngayon dahil posibleng makaapekto ito sa mga manlalaro.

Sinabi pa ni Pacquiao na bukas siya sa anumang imbestigasyon ukol sa mga kapalpakan sa SEA games ngunit saka na lamang ito kapag tapos na at nakaalis na ang mga bisita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -