Saturday, May 4, 2024

Suplay ng pagkain nananatiling sapat —DTI

- Advertisement -

Nananatili pa ring sapat ang suplay ng pagkain sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Ito ang tiniyak ni Trade Secretary Ramon Lopez ngayong nangangalahati na ang implementasyon ng Ecq sa buong Luzon.

Ani Lopez, marami pa rin ang suplay sa mga grocery kung saan kaya pa rin nitong matugunan ang pangangailangan ng publiko.

Kasabay nito, tiniyak ni Lopez na maganda na rin ang galaw ng mga kargamento lalo na ang mga may kargang suplay ng pagkain.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img