Sunog sa Baguio dahil sa baterya ng Solar

0
52

Baguio City – Pumutok na baterya ng  Solar light naging sanhi ng pagkasunog ng ika- anim na palapag ng Pilando Center Building sa Magsaysay Avenue, Baguio City.

Isang pumutok na  baterya ng  solar  light ang itinuturing sanhi ng pagsunog ng ika anim na palapag ng Pilando Center Building na matatagpuan sa lower Magsaysay Avenue. Ito ang inihayag ng Baguio Fire Department Fire Officer III Rafael Gardose.

Sinabi niya  na sinubukan ng  maintenance officer ng nasabing gusali na patayin ang sunog sa pamamagitan ng fire extinguisher ngunit hindi nakayanan at ito ay lalong naglagablab ang apoy.

Agad kaagad nagresponde ang tauhan ng Baguio Fire Department mula sa Camp Allen area katuwang nito ang mga  volunteer water delivery tulad ng Sunshine upang maapula ang apoy matapos ang 30  minoto.

Sa kasalukuyan ay hindi ipinahahayag kung magkano ang mga nasira na iniwan ng naturang sunog at wala namang napa ulat nasugatan na tao dito.

Ayon sa Baguio Fire Department, nakapagtala sila ng 42 sunog ngayon lamang sa taong ito. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

Leave a Reply