31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Sundalo Nagbaril Sa Ulo, Patay

- Advertisement -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 55-anyos na sundalo nang magbaril sa ulo sa loob mismo ng kanilang barracks sa Camp Weene Martillana, Brgy. San Jose sa bayan ng Pili, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng pagpa­pakamatay ng biktimang kinilalang si Technical Sergeant Ricardo Carballo Jr., nakatalaga sa Camp Weene Martillana ng 9th In­fantry Batallion, Philippine Army at residente ng Brgy. Villahermosa, Daraga, Albay.

Sa ulat, dakong alas-5:10 ng hapon nang pumasok ng kanilang barracks ang kasamahang sundalong si M/Sgt.Felicio Casiano Padua at nagulat ito sa nakitang nakasubsob at patay na ang biktima habang umaagos pa ang dugo sa ulo.

Nakita ring nasa tabi nito ang kanyang kalibre .9mm pistol na baril na pinaniniwalaang ginamit ng biktima sa pagbaril sa kanyang sarili.

Patuloy sa ginagawang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa pagpapakamatay ng biktima.

M. Barayoga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -