State visit ni Chinese President Xi Jinping sa PH kasado na

0
50

Kasado na ang state visit sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre 20 hanggang 21, 2018.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang kauna-unahang pagbisita ng pangulo ng China sa bansa sa nakalipas na 13 taon.

Inaasahan naman na mapag-uusapan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Xi ang mga isyung kaugnay ang dalawang bansa lalo na ang Philippine Bilateral Relations.

Magugunitang patuloy pa rin na inaangkin ng China ang ilang bahagi ng South China Sea na pag-aari ng Pilipinas.