Senador kinalampag ang PNP kaugnay sa nakaka-alarmang pagpatay sa local officials ng La Union

0
47

Kinalampag ni Senador Ping Lacson ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nakaka-alarmang pagpatay ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ng La Union.

Hindi naiwasan ni Lacson na ikumpara ang La Union o ipantay sa Abra na kilalang mainit ang sitwasyon sa tuwing panahon ng halalan.

Sinabi ni Lacson na dapat bantayang maigi ng pulisya ang mga gun for hire groups dahil tila may pattern ang mga naganap na patayan sa nasabing lalawigan.

Hindi na aniya bagong anggulo ang pagkakasanggkot ng ilang pulitiko o pagkuha ng mga ito ng mga hired killers para ipatumba ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

Magugunitang, kamakalawa ay tinambangan ng armadong kalalakihan ang convoy nina Balaoan, La Union Mayor Aleli Concepcion at ang kaniyang ama na si Vice Mayor Alfred Concepcion na ikinasawi ng bise alkalde.