Tuesday, May 7, 2024

State of emergency sa New South Wales, Australia idineklara

- Advertisement -

Idineklara na ang state of emergency sa New South Wales sa Australia dahil sa wildfire.

Ikinakasa na rin ngayong linggo ang forced evacuations sa mga apektadong lugar kasabay nang paghahanda ng mga otoridad sa mas matinding effort na ma rescue ang mga residente.

Ayon kay State Premier Gladys Berejiklian kaagad kikilos ang mga otoridad para mapigilan din ang wildfire bagamat pahirapan aniya dahil sa mainit na temperatura at malakas na ihip ng hangin.

Nasa halos 20 katao na ang nasawi dahil sa nasabing wildfire na nagsimula noon pang Setyembre at nakapinsala na ng mahigit 1,000 kabahayan samantalang 17 katao pa ang nawawala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img