Mga nasawi sa malawakang pagbaha sa Jakarta, Indonesia tumaas

0
24

Nadagdagan pa ang death toll sa malawakang pagbaha sa Jakarta, Indonesia.

Sa pinakahuling bilang ng Indonesian authorities nasa 26 na ang patay sa nasabing pagbaha na itinuturing na pinakamatinding pagbaha na naranasan sa jakarta sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.

Mahigit 62,000 residente ng Jakarta ang inilikas dahil sa pagbaha dulot ng matinding pag-ulan simula pa nitong January 1.

Tiniyak naman ni Indonesian President Joko Widodo ang ayuda sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Sinisi ni Widodo sa matinding pagbaha ang pagkaantala ng flood control infrastructure projects mula pa noong 2017.