St. Lukes Medical Center, Makati med hindi na makakatanggap ng COVID-19 patients

0
20

Hindi muna tatanggap ng COVID-19 patients ang St. Lukes Medical Center sa Quezon City at maging sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ito ayon sa pamunuan ng St. Lukes ay dahil sa umabot na sa maximum capacity ang parehong ospital.

Sinabi ng St. Lukes na ayaw nilang makumpromiso ang lagay ng kondisyon ng iba pa nilang ginagamot na non-COVID patients sa ibang palapag ng ospital.

Sa ngayon ay 48 pasyenteng mayroong COVID-19 ang naka-admit na sa dalawang sangay ng St. Lukes bukod pa sa 139 na person under investigation (PUI) samantalang nasa quarantine ang halos 600 frontline health workers nito.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang outpatient COVID-19 testing ng St. Lukes at ang nakokolektang specimen ay ipinapadala na nila sa RITM.

Ipinabatid ng St. Lukes na bukas pa rin 24 oras ang kanilang emergency rooms para mag accommodate ng mga pasyente para sa outpatient medical services.

Samantala maging ang Makati Medical Center ay naabot na rin ang kanilang full capacity

Kaya’t magtapos ang konsultasyon sa kanilang medical teams at management hindi na rin tatanggap ang Makati Med ng dagdag pang COVID-19 cases.

Bukod sa naabot na ang bed capacity kulang na rin ang kanilang workforce at supply ng vital infection prevention equipment para tutukan ang dagdag pang kaso ng COVID-19.