Isang hukom nasawi dahil sa COVID-19

0
31

Nakapagtala ng unang nasawi sa COVID-19 ang hudikatura.

Nakilala ang kauna-unahang person under investigation (PUI) na iniuugnay sa COVID-19 at nasawi na si Calamba RTC Judge Virgilio Dave Gesmundo.

Ang nasabing hukom ay unang dinala sa ospital  sa Paranaque City nito lamang March 15 matapos magkasakit subalit inilipat sa Adventist Hospital sa Pasay City kung saan na rin ito binawian ng buhay at kaagad ipina-cremate.

Ang pagpanaw ng hukom ay kinumpirma mismo ni Atty Cheska Gesmundo, panganay na anak nito sa pamamagitan ng viber group ng Korte Suprema, Court of Appeals at Philippine Judges Association.

Si Judge Gesmundo ay first placer sa 1977 bar examinations kung saan siya nakakuha ng 91.8% matapos magtapos sa Ateneo De Manila College of Law.