31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

SRP sa asukal inihirit

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ng grupong Laban Konsyumer at Sugar Regulatory Administration (SRA) sa gobyerno ang hindi bumababang presyo ng asukal at ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP) para dito.

Sa pagtaya ni SRA Board Member Emiliano Yulo kung saan bumaba na ang farmgate price ng asukal sa P1,450, dapat ay nasa singkwenta pesos na lamang ang kada kilo nito sa pamilihan, taliwas sa P54 hanggang P72 na presyo nito sa ilang pamilihan sa kamaynilaan.

Kaya dapat anya itong imbestigahan ng Department of Trade and Industry (DTI) maging ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi naman ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba na kailangang magtakda ng SRP para sa asukal lalo na ngayong holiday season kung saan marami ang paggagamitan dito.

(written by: Kimberlie Montano)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -