2 ex-PDEA official at police official na pangunahing sangkot umano sa shabu shipment sa BOC nagtatago na

    0
    64

    Nagtatago na umano sina dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy Chief Ismael Fajardo at dismissed Police Colonel Eduardo Acierto na kapwa sangkot umano sa P11 billion shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC).

    Dahil dito, agad nang ipinag-utos ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon ang pag-aresto kina Fajardo at Acierto maging ang iba nilang kasabwat dahil sa maka-ilang beses na hindi pagsipot sa mga hearing.

    Malinaw anyang bahagi ang dalawa ng tinatawag na “triumvirate” ng mga government law enforcer na inakusahang nagpasok ng bilyun-bilyong pisong shabu shipment sa bansa.

    Ang ikatlong miyeembro naman ng “trio” ay si dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban na ginawang state witness.