Special investigation task group naniniwalang malapit ng matukoy ang suspek sa pagpatay kay Rep. Batocabe

0
50

Naniniwala ang special investigation task group na malapit nang matukoy ang gunman na nasa likod nang pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Police Regional Office 5 Spokesperson Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, puspuan ang imbestigasyon ng pulisya, kaya’t posible na aniyang matukoy ang suspect sa pamamaslang.

Dagdag pa ni Calubaquib, nagtutugma rin ang pahayag na ibinigay ng isang testigo sa mga nakalap na impormasyon ng mga otoridad.

Matatandaang, tinambangan ng hindi pa nakikilalang gunman si Batocabe at ang kaniyang police escort na si SPO1 Orlando sa dinaluhang gift giving event sa bayan ng Daraga, Albay.

Si Batocabe ay tatakbo sanang alkalde ng Daraga, Albay para sa 2019 midterm elections.


Akusasyon ng CPP na militar ang nasa likod ng pananambang kay Rep. batocabe inalmahan

Inalmahan ng Philippine Army ang akusasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na militar ang nasa likod nang pananambang kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay 9th Infantry Division of Public Affairs Chief Joash Pramis, bahagi lamang ito ng propaganda ng mga rebeldeng grupo upang ilihis ang isyu.

Matatandaang, sinabi ng NPA na posibleng militar ang may pakana sa krimen.

Samantala, kinumpirma rin ng militar na gumagawa sila ng ilang mga hakbang upang mapadali at makatulong sa imbestigasyon ng naturang kaso.