PDEA, PNP sasampahan ng kasong administratibo ng pamilya Regalado

0
62

Sasampahan ng kasong administrabo ng pamilya Regalado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), sa umano’y pagnanakaw ng mga ito sa kanilang mga alahas kasabay ng isinagawang drug raid sa Sambag Jaro, Iloilo City.

Ayon kay Candelaria Regalado, biyenan ng drug lord na si Melvin Odicta Sr., hindi sila magdadalawang isip na sampahan ng kaso ang PDEA at PNP, dahil ninakaw umano ng mga ito ang ilan sa kanilang mamahaling alahas, sa ikinasang raid ng mga otoridad.

Nanindigan rin si Regalado na planted lamang ang milyong pisong halaga ng shabu na narekober ng pulisya sa kanilang bahay.

Samantala, napag-alaman naman na sinibak na ang raiding team na kinabibilangan ng PDEA at ni Regional Director Emerson Margate dahil sa kinakaharap na kontrobersiya.