SP Sotto may litrato ni Sanchez na naka damit pambabae sa kulungan

0
35

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na may hawak siyang ebidensya na nagsusuot ng damit pambabae si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez sa loob ng National Bilibid Prison.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ayon anya sa mga correction officers ay isa nang “changed man” ang dating alkalde.

Ayon kay Sotto, ilalabas niya sa publiko ang litratong nagpapakita na naka damit pambabae si Sanchez.

Iginiit din ng senate president ang panawagang suriin ang batas na posibleng pagbatayan ng pagpapalaya sa dating mayor.