Angat Dam malapit nang maabot ang minimum operating level

0
48

Malapit nang makaabot sa minimum operating level na 180 meters ang Angat Dam.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, umakyat na sa 178.63 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.

Mula sa 178.30 meters ay tumaas ito ng .30 meters kahapon dahil sa sunod sunod na pag ulan.

Nadagdagan din ang tubig sa Ipo, Ambuklai, La Mesa at Pantabangan dam habang bumaba naman ang lebel ng tubig sa San Roque, Binga, Magat at Caliraya Dam.