35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

SoKor nakapagtala ng 52 panibagong kaso ng COVID-19

- Advertisement -

Kinumpirma ng South Korea ang kanilang naitalang 52 panibagong kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa ngayon may kabuuang 156 na ang bilang ng kumpirmadong nagpositibo sa naturang sakit.

Pinakamalaking bilang na apektado ng COVID-19 ay mula sa Southern City of Daegu na pang-apat sa pinakamalaking lungsod sa Korea na may populasyong 2.5-milyon.

Samantala, inaabisuhan naman ng alkalde ng Daegu ang kanilang mga residente na hanggat maaari ay manatili sa loob ng kanilang mga bahay at magsuot ng face mask kapag lalabas para sa kani-kanilang aktibidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -