Friday, May 10, 2024

SMC magpapatayo ng 10 emergency quarantine facilities vs. COVID-19

- Advertisement -

Magpapatayo ng 10 emergency quarantine facilities sa tabi ng military hospitals ang San Miguel Corporation (SMC).

Ito ay para sa mga sundalong nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19 )subalit mayruong mild symptoms o halos walang sintomas.

Ayon sa SMC  ang 10 pasilidad ay magkakaruon ng tig-15 kama at itatayo sa tabi ng NolCom hospital sa Tarlac, SolCom Hospital sa Lucena City, Eastmincom Hospital sa Davao City, Centcom hospital sa Cebu City, Westmincom hospital sa Zamboanga City, Veterans Memorial Center, CJVAB hospital sa Pasay City, Naval Air Group sa Cavaite City at Wescom hospital sa Palawan.

Sinabi ni SMC President Ramon Ang na nagpapasalamat sila sa  Armed Forces of the Philippines (AFP) sa oportunidad na makipag sanib puwersa sa kanihyla para sa programa na isang paraan ankiya para makatulong na rin sa mga ospital na nakatutok sa COVID-19 patients.

Hindi laman aniya mga sundalo ang mapagsisilbihan ng mga nasabing quarantine facilities kundi maging ang iba pang PUI’s mula sa mga kalapit na lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -